Surah Al-Baqarah (Ang Baka — البقرة) (Talata 154)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




2 Al-Baqarah(البقرة), Talata 154

وَلَا تَقُولُوا لِمَنْ يُقْتَلُ فِي سَبِيلِ اللَّهِ أَمْوَاتٌ ۚ بَلْ أَحْيَاءٌ وَلَٰكِنْ لَا تَشْعُرُونَ 154 ١٥٤

Huwag kayong magsabi hinggil sa mga namamatay ayon sa landas ni Allāh na mga patay [sila], bagkus mga buhay [sila], subalit hindi ninyo nararamdaman. (154)

Tafsīr
Huwag kayong magsabi, O mga mananampalataya, hinggil sa kalagayan ng mga napapatay sa pakikibaka sa landas ni Allāh: "Tunay na sila ay mga patay, na namatay gaya ng pagkamatay ng iba pa sa kanila," bagkus sila ay mga buhay sa ganang Panginoon nila subalit hindi kayo nakatatalos sa buhay nila dahil ito ay buhay na natatangi, na walang paraan para malaman ito malibang sa pamamagitan ng isang pagkasi mula kay Allāh – pagkataas-taas Siya.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba