Surah Al-Baqarah (Ang Baka — البقرة) (Talata 170)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




2 Al-Baqarah(البقرة), Talata 170

وَإِذَا قِيلَ لَهُمُ اتَّبِعُوا مَا أَنْزَلَ اللَّهُ قَالُوا بَلْ نَتَّبِعُ مَا أَلْفَيْنَا عَلَيْهِ آبَاءَنَا ۗ أَوَلَوْ كَانَ آبَاؤُهُمْ لَا يَعْقِلُونَ شَيْئًا وَلَا يَهْتَدُونَ 170 ١٧٠

Kapag sinabi sa kanila: “Sumunod kayo sa pinababa ni Allāh” ay nagsasabi sila: “Bagkus sumusunod kami sa nasumpungan namin sa mga magulang namin.” Kahit ba nangyaring ang mga magulang nila ay hindi nakapag-uunawa ng anuman at hindi napapatnubayan? (170)

Tafsīr
Kapag sinabi sa mga tagatangging sumampalatayang ito: "Sumunod kayo sa pinababa ni Allāh na patnubay at liwanag," nagsasabi sila habang mga nagmamatigas: "Bagkus sumusunod kami sa natagpuan namin sa mga magulang namin na mga paniniwala at mga tradisyon." Sumusunod ba sila ang mga magulang nila kahit ba ang mga ito ay hindi nakapag-uunawa ng anumang patnubay at liwanag, at hindi napapatnubayan tungo sa katotohanang kinalulugdan ni Allāh?

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba