Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Ipinagbawal lamang sa inyo ang namatay, ang dugo, ang laman ng baboy, at ang anumang inialay sa iba pa kay Allāh; ngunit ang sinumang napilitan nang hindi lumalabag ni lumalampas ay walang kasalanan sa kanya. Tunay na si Allāh ay Mapagpatawad, Maawain. (173)
Tafsīr
Ipinagbawal lamang ni Allāh sa inyo mula sa mga pagkain ang namatay nang walang pagkatay na isinasabatas, ang ibinubong dugong dumadaloy, ang laman ng baboy, at ang anumang binanggitan ang iba pa sa pangalan ni Allāh sa sandali ng pagkakatay nito. Ngunit kapag napilitan ang tao na kumain ng anuman, samantalang siya ay hindi naman lumalabag sa katarungan sa pamamagitan ng pagkain mula roon nang walang pangangailangan ni lumalampas sa hangganan ng pangangailangan, ay walang kasalanan sa kanya ni kaparusahan. Tunay na si Allāh ay Mapagpatawad sa sinumang nagbalik-loob kabilang sa mga lingkod Niya, Maawain sa kanila. Bahagi ng awa Niya na Siya ay nagpapaumanhin sa pagkain ng mga ipinagbabawal na ito sa sandali ng pagkanapipilitan.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: