Surah Al-Baqarah (Ang Baka — البقرة) (Talata 179)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




2 Al-Baqarah(البقرة), Talata 179

وَلَكُمْ فِي الْقِصَاصِ حَيَاةٌ يَا أُولِي الْأَلْبَابِ لَعَلَّكُمْ تَتَّقُونَ 179 ١٧٩

Ukol sa inyo sa [batas ng] ganting-pinsala ay buhay, O mga may isip, nang sa gayon kayo ay mangingilag magkasala. (179)

Tafsīr
Ukol sa inyo sa anumang isinabatas ni Allāh na ganting-pinsala ay buhay para sa inyo dahil sa pangangalaga sa mga buhay ninyo at pagpigil ng pangangaway sa gitna ninyo. Natatalos iyon ng mga may isip na nangingilag magkasala kay Allāh – pagkataas-taas Siya – sa pamamagitan ng pagpapaakay sa batas Niya at paggawa sa utos Niya.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba