Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Ang buwan ng Ramaḍān ay ang [buwang] pinababa rito ang Qur’ān bilang patnubay para sa mga tao at bilang mga malinaw na patunay mula sa patnubay at saligan [ng tama at mali]. Kaya ang sinumang nakasaksi kabilang sa inyo sa buwan [ng Ramaḍān] ay mag-ayuno siya rito at ang sinumang maysakit o nasa isang paglalakbay ay [mag-aayuno ng mismong] bilang mula sa ibang mga araw. Nagnanais si Allāh sa inyo ng isang ginhawa at hindi Siya nagnanais sa inyo ng hirap at upang bumuo kayo ng bilang at upang dumakila kayo kay Allāh dahil nagpatnubay Siya sa inyo, at nang sa gayon kayo ay magpapasalamat. (185)
Tafsīr
Ang buwan ng Ramaḍān ay ang sinimulan ng pagbaba ng Qur’an sa Propeta – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – sa Gabi ng Pagtatakda. Nagpababa nito si Allāh bilang kapatnubayan para sa mga tao. Mayroon itong mga patunay na maliwanag mula sa patnubay at saligan sa pagitan ng katotohanan at kabulaanan. Kaya ang sinumang nakadalo sa buwan ng Ramaḍān habang siya ay nananatili sa isang lugar at malusog ay mag-ayuno siya nito bilang tungkulin. Ang sinumang maysakit na nagpapahirap sa kanya ang pag-aayuno o nasa isang paglalakbay ay maaari sa kanya na tumigil sa pag-aayuno. Kapag tumigil siya sa pag-aayuno, ang isinasatungkulin sa kanya ay na magbayad-ayuno sa mga araw na iyon na tumigil siya sa pag-aayuno. Nagnanais si Allāh sa isinabatas Niya para sa inyo na magpatahak sa inyo sa landas ng ginhawa hindi hirap, upang lumubos kayo sa bilang ng pag-aayuno ng buwang ito sa kabuuan nito, upang dumakila kayo kay Allāh matapos ng wakas ng buwan ng Ramaḍān at sa Araw ng `Īd dahil sa nagtuon Siya sa inyo para sa pag-aayuno rito at tumulong Siya sa inyo sa paglubos nito, at nang sa gayon kayo ay magpapasalamat sa Kanya sa kapatnubayan ninyo sa Relihiyong ito na kinalugdan Niya para sa inyo.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: