Surah Al-Baqarah (Ang Baka — البقرة) (Talata 189)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




2 Al-Baqarah(البقرة), Talata 189

يَسْأَلُونَكَ عَنِ الْأَهِلَّةِ ۖ قُلْ هِيَ مَوَاقِيتُ لِلنَّاسِ وَالْحَجِّ ۗ وَلَيْسَ الْبِرُّ بِأَنْ تَأْتُوا الْبُيُوتَ مِنْ ظُهُورِهَا وَلَٰكِنَّ الْبِرَّ مَنِ اتَّقَىٰ ۗ وَأْتُوا الْبُيُوتَ مِنْ أَبْوَابِهَا ۚ وَاتَّقُوا اللَّهَ لَعَلَّكُمْ تُفْلِحُونَ 189 ١٨٩

Nagtatanong sila sa iyo tungkol sa mga bagong buwan. Sabihin mo: “Ang mga ito ay mga sukatan ng panahon para sa mga tao at sa ḥajj.” Ang pagsasamabuting-loob ay hindi na pumunta kayo sa mga bahay mula sa mga likod ng mga ito, subalit ang pagsasamabuting-loob ay sinumang nangilag magkasala. Pumunta kayo sa mga bahay mula sa mga pintuan ng mga ito. Mangilag kayong magkasala kay Allāh, nang sa gayon kayo ay magtatagumpay. (189)

Tafsīr
Nagtatanong sila sa iyo, O Sugo, tungkol sa pagkabuo ng mga bagong buwan at pagbabago ng mga kalagayan ng mga ito. Sabihin mo habang sumasagot sa kanila tungkol sa kasanhian niyon: "Tunay na ang mga ito ay mga sukatan ng panahon para sa mga tao. Nakaaalam sila sa pamamagitan ng mga ito sa mga oras ng mga pagsamba nila gaya ng mga buwan ng ḥajj, buwan ng pag-aayuno, at pagkalubos ng panahon sa [pagbibigay ng] zakāh, at nakaalam sila sa mga oras nila sa mga pakikitungo gaya ng pagtatakda ng mga taning ng mga bayad-pinsala at mga utang." Ang pagpapakabuti at ang kabutihan ay hindi na pumunta kayo sa mga bahay mula sa mga likod ng mga ito sa panahon ng iḥrām ninyo sa ḥajj at `umrah, gaya ng inaakala ninyo noon sa Panahon ng Kamangmangan, bagkus ang pagpapakabuti sa totohanan ay ang pagpapakabuti ng sinumang nangilag magkasala kay Allāh sa lantaran at pakubli. Subalit ang pagpunta ninyo sa mga bahay mula sa mga pintuan ng mga ito, iyan ay higit na madali para sa inyo at higit na malayo sa hirap dahil si Allāh ay hindi nag-atang sa inyo ng anumang may pabigat at pahirap sa inyo. Maglagay kayo sa pagitan ninyo at ng pagdurusang dulot ni Allāh ng isang pananggalang gaya ng gawang maayos, nang sa gayon kayo ay magtatagumpay sa pagtamo ng minimithi ninyo at ng kaligtasan mula sa kinasisindakan ninyo.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba