Surah Al-Baqarah (Ang Baka — البقرة) (Talata 203)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




2 Al-Baqarah(البقرة), Talata 203

وَاذْكُرُوا اللَّهَ فِي أَيَّامٍ مَعْدُودَاتٍ ۚ فَمَنْ تَعَجَّلَ فِي يَوْمَيْنِ فَلَا إِثْمَ عَلَيْهِ وَمَنْ تَأَخَّرَ فَلَا إِثْمَ عَلَيْهِ ۚ لِمَنِ اتَّقَىٰ ۗ وَاتَّقُوا اللَّهَ وَاعْلَمُوا أَنَّكُمْ إِلَيْهِ تُحْشَرُونَ 203 ٢٠٣

Alalahanin ninyo si Allāh sa mga araw na binilang, ngunit ang sinumang nagmadali [sa paglisan sa Minā] sa dalawang araw ay walang kasalanan sa kanya at ang sinumang naantala ay walang kasalanan sa kanya: sa sinumang nangilag magkasala. Mangilag kayong magkasala kay Allāh at alamin ninyo na kayo ay tungo sa Kanya kakalapin. (203)

Tafsīr
Mag-aalaala kayo kay Allāh sa pamamagitan ng takbīr (pagsabi ng Allāhu akbar) at tahlīl (pagsabi ng lā ilāha illa-llāh) sa iilang araw: ang ika-11, ang ika-12, at ang ika-13 ng Dhulḥijjah. Ngunit ang sinumang nagmadali at lumabas ng Minā matapos ng pagbato sa ika-12 araw ay nasa kanya na iyon at walang kasalanan sa kanya dahil si Allāh ay nagpagaan sa kanya. Ang sinumang naantala hanggang sa ika-13 hanggang sa bumato siya ay nasa kanya na iyon at walang maisisisi sa kanya. Gumawa nga siya ng pinakalubos at sumunod siya sa gawa ng Propeta – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan. Ang lahat ng iyon ay ukol sa sinumang nangilag magkasala kay Allāh sa ḥajj niya sapagkat nagsagawa siya ng gaya sa ipinag-utos ni Allāh. Mangilag kayong magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya. Pakatiyakin ninyo na kayo ay tungo sa Kanya lamang babalik at hahantong para gumanti sa inyo sa mga gawa ninyo.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba