Surah Al-Baqarah (Ang Baka — البقرة) (Talata 208)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




2 Al-Baqarah(البقرة), Talata 208

يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا ادْخُلُوا فِي السِّلْمِ كَافَّةً وَلَا تَتَّبِعُوا خُطُوَاتِ الشَّيْطَانِ ۚ إِنَّهُ لَكُمْ عَدُوٌّ مُبِينٌ 208 ٢٠٨

O mga sumampalataya, magsipasok kayo sa pagkapasakop nang lubusan at huwag kayong sumunod sa mga yapak ng demonyo; tunay na siya para sa inyo ay isang kaaway na malinaw. (208)

Tafsīr
O mga sumampalataya kay Allāh at sumunod sa Sugo Niya, magsipasok kayo sa Islām sa kalahatan nito. Huwag kayong mag-iwan mula rito ng anuman gaya ng ginagawa ng mga May Kasulatan na pananampalataya sa isang bahagi ng Kasulatan at kawalang-pananampalataya sa ibang bahagi nito. Huwag kayong sumunod sa mga tinatahak ng demonyo dahil siya para sa inyo ay isang kaaway na maliwanag ang pangangaway at naglalantad nito.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba