Surah Al-Baqarah (Ang Baka — البقرة) (Talata 212)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




2 Al-Baqarah(البقرة), Talata 212

زُيِّنَ لِلَّذِينَ كَفَرُوا الْحَيَاةُ الدُّنْيَا وَيَسْخَرُونَ مِنَ الَّذِينَ آمَنُوا ۘ وَالَّذِينَ اتَّقَوْا فَوْقَهُمْ يَوْمَ الْقِيَامَةِ ۗ وَاللَّهُ يَرْزُقُ مَنْ يَشَاءُ بِغَيْرِ حِسَابٍ 212 ٢١٢

Ipinaakit para sa mga tumangging sumampalataya ang buhay na pangmundo at nanunuya sila sa mga sumampalataya. Ang mga nangilag magkasala ay sa ibabaw nila sa Araw ng Pagbangon. Si Allāh ay tumutustos sa sinumang niloloob Niya nang walang isang pagtutuos. (212)

Tafsīr
Pinaganda para sa mga tumangging sumampalataya kay Allāh ang buhay na pangmundo at ang anumang narito na mga kasiyahang naglalaho at mga sarap na napuputol. Nangungutya sila sa mga sumampalataya kay Allāh at sa Kabilang-buhay samantalang ang mga nangilag magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng paggawa sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwan sa mga sinasaway Niya ay sa ibabaw nitong mga tagatangging sumampalataya sa Araw ng Pagbangon yayamang magpapatuloy sa kanila si Allāh sa mga hardin ng Eden. Si Allāh ay nagbibigay sa sinumang niloloob Niya kabilang sa mga nilikha Niya nang walang isang pagbibilang ni isang pagtutuos.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba