Surah Al-Baqarah (Ang Baka — البقرة) (Talata 219)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




2 Al-Baqarah(البقرة), Talata 219

يَسْأَلُونَكَ عَنِ الْخَمْرِ وَالْمَيْسِرِ ۖ قُلْ فِيهِمَا إِثْمٌ كَبِيرٌ وَمَنَافِعُ لِلنَّاسِ وَإِثْمُهُمَا أَكْبَرُ مِنْ نَفْعِهِمَا ۗ وَيَسْأَلُونَكَ مَاذَا يُنْفِقُونَ قُلِ الْعَفْوَ ۗ كَذَٰلِكَ يُبَيِّنُ اللَّهُ لَكُمُ الْآيَاتِ لَعَلَّكُمْ تَتَفَكَّرُونَ 219 ٢١٩

Nagtatanong sila sa iyo tungkol sa alak at sugal. Sabihin mo: “Sa dalawang ito ay may kasalanang malaki at mga pakinabang para sa mga tao ngunit ang kasalanan sa dalawang ito ay higit na malaki kaysa sa kapakinabangan sa dalawang ito.” Nagtatanong sila sa iyo kung ano gugugulin nila. Sabihin mo: “Ang kalabisan [sa pangangailangan ninyo].” Gayon naglilinaw si Allāh para sa inyo ng mga tanda, nang sa gayon kayo ay mag-iisip-isip (219)

Tafsīr
Nagtatanong sa iyo ang mga Kasamahan mo, O Propeta, tungkol sa alak. (Ang alak ay ang bawat nagtatakip sa isip at nag-aalis nito). Nagtatanong sila tungkol sa kahatulan sa pag-inom nito, pagtitinda nito, at pagbili nito. Nagtatanong sila sa iyo tungkol sa kahatulan sa sugal. (Ang sugal ay ang anumang pagkuha ng salapi sa pamamagitan ng mga paligsahang mayroong pusta mula sa mga panig na nakikilahok sa paligsahan.) Sabihin mo habang sumasagot sa kanila: "Sa dalawang ito ay may mga pinsala at mga katiwaliang panrelihiyon at pangmundo na marami gaya ng pagkawala ng isip at salapi, at pagkasadlak sa away at pagkamuhi. Sa dalawang ito ay may mga pakinabang na kakaunti gaya ng mga kinikitang salapi ngunit ang kapinsalaan sa dalawang ito at ang kasalanang ibinubunga dahil sa dalawang ito ay higit na malaki kaysa sa kapakinabangan sa dalawang ito." Ang anumang ang kapinsalaan nito ay higit na marami kaysa sa pakinabang nito, tunay na ang nakapag-uunawa ay umiiwas dito. Ang paglilinaw na ito mula kay Allāh ay may taglay na isang panimula para sa pagbabawal sa alak. Nagtatanong sa iyo ang mga Kasamahan mo, O Propeta, tungkol sa halaga ng gugugulin nila mula sa mga yaman nila sa paraang kusang-loob at pag-aabuloy. Sabihin mo habang sumasagot sa kanila: "Gumugol kayo mula sa mga yaman ninyo na lumalabis sa pangangailangan ninyo." (Ito nga noon ay sa simula. Pagkatapos nagsabatas si Allāh matapos niyon ng zakāh na isinasatungkulin sa mga yamang itinangi at sa mga niṣab (kantidad) na itinakda. Sa pamamagitan ng tulad sa paglilinaw na ito na walang kalituhan dito, naglilinaw si Allāh para sa inyo ng mga patakaran ng Batas ng Islām, nang sa gayon kayo ay mag-iisip-isip.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba