Surah Al-Baqarah (Ang Baka — البقرة) (Talata 221)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




2 Al-Baqarah(البقرة), Talata 221

وَلَا تَنْكِحُوا الْمُشْرِكَاتِ حَتَّىٰ يُؤْمِنَّ ۚ وَلَأَمَةٌ مُؤْمِنَةٌ خَيْرٌ مِنْ مُشْرِكَةٍ وَلَوْ أَعْجَبَتْكُمْ ۗ وَلَا تُنْكِحُوا الْمُشْرِكِينَ حَتَّىٰ يُؤْمِنُوا ۚ وَلَعَبْدٌ مُؤْمِنٌ خَيْرٌ مِنْ مُشْرِكٍ وَلَوْ أَعْجَبَكُمْ ۗ أُولَٰئِكَ يَدْعُونَ إِلَى النَّارِ ۖ وَاللَّهُ يَدْعُو إِلَى الْجَنَّةِ وَالْمَغْفِرَةِ بِإِذْنِهِ ۖ وَيُبَيِّنُ آيَاتِهِ لِلنَّاسِ لَعَلَّهُمْ يَتَذَكَّرُونَ 221 ٢٢١

Huwag kayong magpakasal sa mga babaing tagapagtambal hanggang sa sumampalataya sila. Talagang ang isang babaing aliping mananampalataya ay higit na mabuti kaysa sa isang babaing tagapagtambal kahit pa man nagpahanga ito sa inyo. Huwag ninyong ipakasal [ang kababaihan ninyo] sa mga lalaking tagapagtambal hanggang sa sumampalataya sila. Talagang ang isang lalaking aliping mananampalataya ay higit na mabuti kaysa sa isang lalaking tagapagtambal kahit pa man nagpahanga ito sa inyo. Ang mga iyon ay nag-aanyaya tungo sa Apoy samantalang si Allāh ay nag-aanyaya tungo sa Paraiso at kapatawaran ayon sa pahintulot Niya. Naglilinaw Siya sa mga tanda Niya sa mga tao, nang sa gayon sila ay magsasaalaala. (221)

Tafsīr
Huwag kayong magpakasal, O mga mananampalataya, sa mga babaing tagapagtambal kay Allāh hanggang sa sumampalataya sila kay Allāh lamang at pumasok sa Relihiyong Islām. Tunay na ang isang babaing aliping mananampalataya kay Allāh at sa Sugo Niya ay higit na mainam kaysa sa isang malayang babaing sumasamba sa mga diyus-diyusan kahit pa man nagpahanga ito sa inyo dahil sa kagandahan nito at yaman nito. Huwag ninyong ipakasal ang mga babaing Muslim sa mga lalaking tagapagtambal [kay Allāh]. Talagang ang isang lalaking aliping mananampalataya kay Allāh at sa Sugo Niya ay higit na mainam kaysa sa isang malayang lalaking tagapagtambal [kay Allāh] kahit pa man nagpahanga ito sa inyo. Ang mga nailarawang ito sa pagtatambal – mga lalaki man at mga babae – ay nag-aanyaya sa pamamagitan ng mga sinasabi nila at mga ginagawa nila tungo sa nag-aakay sa pagpasok sa Apoy samantalang si Allāh ay nag-aanyaya tungo sa mga gawang maayos na nag-aakay tungo sa pagpasok sa Paraiso at kapatawaran sa mga pagkakasala ayon sa pahintulot Niya at kabutihang-loob Niya. Naglilinaw Siya sa mga tao ng mga tanda Niya, nang sa gayon sila ay mapangangaralan sa ipinahiwatig nito at magsasagawa nito.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba