Surah Al-Baqarah (Ang Baka — البقرة) (Talata 225)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




2 Al-Baqarah(البقرة), Talata 225

لَا يُؤَاخِذُكُمُ اللَّهُ بِاللَّغْوِ فِي أَيْمَانِكُمْ وَلَٰكِنْ يُؤَاخِذُكُمْ بِمَا كَسَبَتْ قُلُوبُكُمْ ۗ وَاللَّهُ غَفُورٌ حَلِيمٌ 225 ٢٢٥

Hindi magpapanagot sa inyo si Allāh sa pagkakamali sa mga panunumpa ninyo subalit magpapanagot Siya sa inyo kinamit ng mga puso ninyo. Si Allāh ay Mapagpatawad, Matimpiin. (225)

Tafsīr
Hindi magtutuos sa inyo si Allāh dahilan sa mga panunumpang namumutawi sa mga dila ninyo nang hindi sinasadya gaya ng sabi ng isa sa inyo: "Hindi, sumpa man kay Allāh; oo, sumpa man kay Allāh." Walang bayad-sala sa inyo ni kaparusahan doon subalit magtutuos Siya sa inyo sa anumang sinadya ninyo mula sa mga panunumpang iyon. Si Allāh ay Mapagpatawad sa mga pagkakasala ng mga lingkod Niya, Matimpiin: hindi Siya nagmamadali sa kanila ng kaparusahan.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba