Surah Al-Baqarah (Ang Baka — البقرة) (Talata 230)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




2 Al-Baqarah(البقرة), Talata 230

فَإِنْ طَلَّقَهَا فَلَا تَحِلُّ لَهُ مِنْ بَعْدُ حَتَّىٰ تَنْكِحَ زَوْجًا غَيْرَهُ ۗ فَإِنْ طَلَّقَهَا فَلَا جُنَاحَ عَلَيْهِمَا أَنْ يَتَرَاجَعَا إِنْ ظَنَّا أَنْ يُقِيمَا حُدُودَ اللَّهِ ۗ وَتِلْكَ حُدُودُ اللَّهِ يُبَيِّنُهَا لِقَوْمٍ يَعْلَمُونَ 230 ٢٣٠

Kung nagdiborsiyo siya rito [sa ikatlong pagkakataon] ay hindi na ito ipinahihintulot sa kanya matapos na niyan hanggang sa makapag-asawa ito ng isang asawang iba pa sa kanya. Kung nagdiborsiyo naman iyon rito ay walang maisisisi sa kanilang dalawa na magbalikan silang dalawa kung nagpalagay silang dalawa na makapagpanatili silang dalawa sa mga hangganan ni Allāh. Iyon ay mga hangganan ni Allāh; naglilinaw Siya sa mga ito para sa mga taong umaalam. (230)

Tafsīr
Kaya kung nagdiborsiyo sa babae ang asawa nito ng ikatlong diborsiyo, hindi ipinahihintulot sa lalaki ang magpakasal sa babae sa muli hanggang sa makapag-asawa ang babae ng isang lalaking iba sa dating asawa, sa isang kasal na tumpak dahil sa pagkaibig hindi dahil sa layon ng pagpapahintulot na makasal sa dati, at nakikipagtalik naman ang lalaking iyon sa babae sa kasal na ito. Kung nagdiborsiyo sa babae ang kasunod na asawa o namatay ito sa kanya, walang kasalanan sa babae at dating asawa niya na magbalikan silang dalawa sa isang bagong kasal at isang bagong bigay-kaya (mahr) kung nanaig sa palagay nilang dalawa na silang dalawa ay makapagsasagawa sa anumang inoobliga sa kanilang dalawa na mga patakarang pambatas ng Islām. Ang mga patakarang pambatas ng Islām na iyon ay nilinaw ni Allāh sa mga taong umaalam sa mga patakaran Niya at mga hangganan Niya dahil sila ay ang mga makikinabang sa mga ito.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba