Surah Al-Baqarah (Ang Baka — البقرة) (Talata 231)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




2 Al-Baqarah(البقرة), Talata 231

وَإِذَا طَلَّقْتُمُ النِّسَاءَ فَبَلَغْنَ أَجَلَهُنَّ فَأَمْسِكُوهُنَّ بِمَعْرُوفٍ أَوْ سَرِّحُوهُنَّ بِمَعْرُوفٍ ۚ وَلَا تُمْسِكُوهُنَّ ضِرَارًا لِتَعْتَدُوا ۚ وَمَنْ يَفْعَلْ ذَٰلِكَ فَقَدْ ظَلَمَ نَفْسَهُ ۚ وَلَا تَتَّخِذُوا آيَاتِ اللَّهِ هُزُوًا ۚ وَاذْكُرُوا نِعْمَتَ اللَّهِ عَلَيْكُمْ وَمَا أَنْزَلَ عَلَيْكُمْ مِنَ الْكِتَابِ وَالْحِكْمَةِ يَعِظُكُمْ بِهِ ۚ وَاتَّقُوا اللَّهَ وَاعْلَمُوا أَنَّ اللَّهَ بِكُلِّ شَيْءٍ عَلِيمٌ 231 ٢٣١

Kapag nagdiborsiyo kayo ng mga maybahay at [halos] umabot sila sa taning [ng paghihintay] nila ay magpanatili kayo sa kanila ayon sa nakabubuti o magpalaya kayo sa kanila ayon sa nakabubuti. Huwag kayong magpanatili sa kanila bilang pamiminsala para makalabag kayo. Ang sinumang gumagawa niyon ay lumabag nga sa katarungan sa sarili sarili. Huwag kayong gumawa sa mga tanda ni Allāh bilang kinukutya. Umalaala kayo sa biyaya ni Allāh sa inyo at pinababa Niya sa inyo na Aklat at Karunungan. Nangangaral Siya sa inyo nito. Mangilag kayong magkasala kay Allāh at alamin ninyo na si Allāh sa bawat bagay ay Maalam. (231)

Tafsīr
Kapag nagdiborsiyo kayo ng mga maybahay ninyo at nalapit sila sa pagwawakas ng `iddah nila, nasasainyo na makipagbalikan kayo sa kanila o umiwan kayo sila ayon sa nakabubuti nang walang pagbalik hanggang sa matapos ang `iddah nila. Huwag kayong makipagbalikan sa kanila alang-alang sa paglabag sa kanila at pamiminsala sa kanila gaya ng ginagawa noon sa Panahon ng Kamangmangan. Ang sinumang gumagawa niyon nang may layon ng pamiminsala sa kanila ay lumabag nga sa katarungan sa sarili niya sa pamamagitan ng pagsalang nito sa kasalanan at kaparusahan. Huwag kayong gumawa sa mga tanda ni Allāh bilang tampulan ng pangungutya sa pamamagitan ng paglalaru-laro sa mga ito at paglalakas-loob laban sa mga ito. Umalaala kayo sa mga biyaya ni Allāh sa inyo. Kabilang sa pinakadakila sa mga ito ang pinababa Niya sa inyo na Qur'ān at Sunnah, na nagpapaalaala Siya sa inyo sa pamamagitan nito bilang pagpapaibig para sa inyo at pagpapasindak. Mangamba kayo kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya. Alamin ninyo na si Allāh sa bawat bagay ay Maalam kaya walang nakakukubli sa Kanya na anuman. Gaganti Siya sa inyo dahil sa mga gawa ninyo.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba