Surah Al-Baqarah (Ang Baka — البقرة) (Talata 232)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




2 Al-Baqarah(البقرة), Talata 232

وَإِذَا طَلَّقْتُمُ النِّسَاءَ فَبَلَغْنَ أَجَلَهُنَّ فَلَا تَعْضُلُوهُنَّ أَنْ يَنْكِحْنَ أَزْوَاجَهُنَّ إِذَا تَرَاضَوْا بَيْنَهُمْ بِالْمَعْرُوفِ ۗ ذَٰلِكَ يُوعَظُ بِهِ مَنْ كَانَ مِنْكُمْ يُؤْمِنُ بِاللَّهِ وَالْيَوْمِ الْآخِرِ ۗ ذَٰلِكُمْ أَزْكَىٰ لَكُمْ وَأَطْهَرُ ۗ وَاللَّهُ يَعْلَمُ وَأَنْتُمْ لَا تَعْلَمُونَ 232 ٢٣٢

Kapag nagdiborsiyo kayo ng mga maybahay ninyo at umabot sila sa `iddah nila ay huwag kayong magpasuliranin sa kanila na magpakasal sila sa mga [dating] asawa nila kapag nagkaluguran sa pagitan nila ayon sa nakabubuti. Iyon ay ipinangangaral sa sinumang kabilang sa inyo na sumasampalataya kay Allāh at sa Huling Araw. Iyon ay higit na busilak para sa inyo at higit na dalisay. Si Allāh ay nakaaalam at kayo ay hindi nakaaalam. (232)

Tafsīr
Kapag nagdiborsiyo kayo ng mga maybahay ninyo nang kulang sa tatlong pagdidiborsiyo at nagwakas ang `iddah nila, huwag kayong pumigil sa kanila, O mga tagatangkilik, sa sandaling iyon sa panunumbalik sa mga [dating] asawa nila sa pamamagitan ng pagsasagawa ng isang kontrata at isang bagong kasal kapag naibigan nila iyon at nagkaluguran sila ng mga dating asawa nila roon. Ang kahatulang iyon na naglalaman ng pagsaway sa pagpigil sa kanila ay napaalalahanan sa pamamagitan nito ang sinumang kabilang sa inyo na sumasampalataya kay Allāh at sa Huling Araw. Iyon ay higit na marami sa paglago para sa kabutihan sa inyo at higit na matindi sa kadalisayan para sa mga dangal ninyo at mga gawa ninyo mula sa mga karumihan. Si Allāh ay nakaaalam sa mga reyalidad ng mga bagay-bagay at mga kahihinatnan ng mga ito samantalang kayo ay hindi nakaaalam niyon.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba