Surah Al-Baqarah (Ang Baka — البقرة) (Talata 237)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




2 Al-Baqarah(البقرة), Talata 237

وَإِنْ طَلَّقْتُمُوهُنَّ مِنْ قَبْلِ أَنْ تَمَسُّوهُنَّ وَقَدْ فَرَضْتُمْ لَهُنَّ فَرِيضَةً فَنِصْفُ مَا فَرَضْتُمْ إِلَّا أَنْ يَعْفُونَ أَوْ يَعْفُوَ الَّذِي بِيَدِهِ عُقْدَةُ النِّكَاحِ ۚ وَأَنْ تَعْفُوا أَقْرَبُ لِلتَّقْوَىٰ ۚ وَلَا تَنْسَوُا الْفَضْلَ بَيْنَكُمْ ۚ إِنَّ اللَّهَ بِمَا تَعْمَلُونَ بَصِيرٌ 237 ٢٣٧

Kung nagdiborsiyo kayo sa kanila bago pa kayo sumaling sa kanila at nagsatungkulin na kayo para sa kanila ng isang tungkulin, ang kalahati ng isinatungkulin ninyo [ang ibibigay] maliban na magpaubaya sila [na mga babae] o magpaubaya ang [lalaki na] nasa kamay niya ang kasunduan ng kasal. Ang magpaubaya kayo ay higit na malapit sa pangingilag magkasala. Huwag kayong lumimot sa kabutihang-loob sa pagitan ninyo. Tunay na si Allāh sa anumang ginagawa ninyo ay Nakakikita. (237)

Tafsīr
Kung nagdiborsiyo kayo sa mga maybahay ninyong pinakasalan ninyo, bago ng pakikipagtalik sa kanila at nag-obliga na kayo para sa kanila ng isang bigay-kayang tinakdaan, kinakailangan sa inyo ang pagbabayad ng kalahati ng bigay-kayang binanggit sa kanila, maliban na magpaalwan sila sa inyo para roon, kung sila ay mga matinong babae, o magpaalwan ang mga asawa mismo sa pamamagitan ng pagkakaloob ng bigay-kaya nang buo para sa kanila. Ang magpaalwanan kayo sa mga karapatan sa pagitan ninyo ay higit na malapit sa pagkatakot kay Allāh at pagtalima sa Kanya. Huwag kayong tumigil, O mga tao, sa pagmamabuting-loob sa isa't isa sa inyo at ang pagpapaalwan sa mga karapatan. Tunay na si Allāh sa anumang ginagawa ninyo ay Nakakikita kaya magpunyagi kayo sa pagkakaloob ng nakabubuti upang magtamo kayo ng gantimpala ni Allāh doon.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba