Surah Al-Baqarah (Ang Baka — البقرة) (Talata 238)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




2 Al-Baqarah(البقرة), Talata 238

حَافِظُوا عَلَى الصَّلَوَاتِ وَالصَّلَاةِ الْوُسْطَىٰ وَقُومُوا لِلَّهِ قَانِتِينَ 238 ٢٣٨

Mangalaga kayo sa mga dasal at [lalo na] sa dasal na pinakagitna. Tumayo kayo kay Allāh bilang mga masunurin. (238)

Tafsīr
Mangalaga kayo sa mga dasal sa pamamagitan ng pagsasagawa sa mga ito nang lubusan gaya ng ipinag-utos ni Allāh. Mangalaga kayo sa dasal na kalagitnaan sa pagitan ng mga dasal. Ito ay ang dasal sa hapon (`aṣr). Tumayo kayo kay Allāh sa mga dasal ninyo bilang mga tumatalimang nagpapasailalim.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba