Surah Al-Baqarah (Ang Baka — البقرة) (Talata 239)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




2 Al-Baqarah(البقرة), Talata 239

فَإِنْ خِفْتُمْ فَرِجَالًا أَوْ رُكْبَانًا ۖ فَإِذَا أَمِنْتُمْ فَاذْكُرُوا اللَّهَ كَمَا عَلَّمَكُمْ مَا لَمْ تَكُونُوا تَعْلَمُونَ 239 ٢٣٩

Saka kung nangamba kayo [sa pagsalakay ng kaaway] ay [magdasal na] mga naglalakad o mga nakasakay. Kapag natiwasay kayo ay umalaala kayo kay Allāh gaya ng itinuro Niya sa inyo ng hindi ninyo noon nalalaman. (239)

Tafsīr
Kaya kung nangamba kayo sa isang kaaway o tulad nito at hindi kayo nakakaya ng pagsasagawa ng dasal nang lubusan, magdasal kayo habang mga naglalakad sa mga paa ninyo o mga nakasakay sa mga kamelyo, mga kabayo, at tulad ng mga ito, o sa alinmang paraang nakakaya ninyo. Kaya kapag naglaho ang pangamba sa inyo, umalaala kayo kay Allāh sa pamamagitan ng mga uri ng pag-alaala (dhikr). Kabilang dito ang pagdarasal ayon sa pagkaganap nito at pagkalubos nito, tulad ng pagtuturo Niya sa inyo ng hindi ninyo dati nalalaman na liwanag at patnubay.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba