Surah Al-Baqarah (Ang Baka — البقرة) (Talata 243)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




2 Al-Baqarah(البقرة), Talata 243

أَلَمْ تَرَ إِلَى الَّذِينَ خَرَجُوا مِنْ دِيَارِهِمْ وَهُمْ أُلُوفٌ حَذَرَ الْمَوْتِ فَقَالَ لَهُمُ اللَّهُ مُوتُوا ثُمَّ أَحْيَاهُمْ ۚ إِنَّ اللَّهَ لَذُو فَضْلٍ عَلَى النَّاسِ وَلَٰكِنَّ أَكْثَرَ النَّاسِ لَا يَشْكُرُونَ 243 ٢٤٣

Hindi ka ba nakaalam sa mga lumisan mula sa mga tahanan nila habang sila ay libu-libo dala ng pangingilag sa kamatayan kaya nagsabi sa kanila si Allāh: “Mamatay kayo,” pagkatapos nagbigay-buhay Siya sa kanila? Tunay na si Allāh ay talagang may kabutihang-loob sa mga tao subalit ang higit na marami sa mga tao ay hindi nagpapasalamat. (243)

Tafsīr
Hindi ba nakaabot sa kaalaman mo, O Propeta, ang balita sa mga lumisan mula sa mga bahay nila habang sila ay pagkadami-dami dala ng pangamba sa kamatayan dahilan sa epidemya o iba pa rito? Sila ay isang pangkat kabilang sa mga anak ni Israel. Nagsabi sa kanila si Allāh: "Mamatay kayo," at namatay naman sila. Pagkatapos nagpanumbalik Siya sa kanila sa pagiging mga buhay upang maglinaw Siya sa kanila na ang kapakanan sa kabuuan nito ay nasa kamay Niya – kaluwalhatian sa Kanya – at na sila ay hindi nakapagdudulot para sa mga sarili nila ng pakinabang ni pinsala. Tunay na si Allāh ay talagang may bigay at kabutihang-loob sa mga tao subalit ang higit na marami sa mga tao ay hindi nagpapasalamat kay Allāh sa mga biyaya Niya.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba