Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Sino itong magpapautang kay Allāh ng isang pautang na maganda para pag-ibayuhin Niya nang maraming ibayo. Si Allāh ay nagpapagipit at nagpapaluwag, at tungo sa Kanya pababalikin kayo [para gantihan]. (245)
Tafsīr
Sino itong gagawa ng gawain ng tagapautang para gumugol ng yaman niya sa landas ni Allāh nang may isang magandang layunin at may isang kaluluwang kaaya-aya upang manumbalik sa kanya ng maraming ulit. Si Allāh ay nagpapasalat sa panustos, kalusugan, at iba pa, at nagpapasagana roon sa kabuuan nito sa pamamagitan ng karunungan Niya at katarungan Niya. Tungo sa Kanya lamang pababalikin kayo sa Kabilang-buhay para gumanti Siya sa inyo sa mga gawa ninyo.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: