Surah Al-Baqarah (Ang Baka — البقرة) (Talata 255)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




2 Al-Baqarah(البقرة), Talata 255

اللَّهُ لَا إِلَٰهَ إِلَّا هُوَ الْحَيُّ الْقَيُّومُ ۚ لَا تَأْخُذُهُ سِنَةٌ وَلَا نَوْمٌ ۚ لَهُ مَا فِي السَّمَاوَاتِ وَمَا فِي الْأَرْضِ ۗ مَنْ ذَا الَّذِي يَشْفَعُ عِنْدَهُ إِلَّا بِإِذْنِهِ ۚ يَعْلَمُ مَا بَيْنَ أَيْدِيهِمْ وَمَا خَلْفَهُمْ ۖ وَلَا يُحِيطُونَ بِشَيْءٍ مِنْ عِلْمِهِ إِلَّا بِمَا شَاءَ ۚ وَسِعَ كُرْسِيُّهُ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضَ ۖ وَلَا يَئُودُهُ حِفْظُهُمَا ۚ وَهُوَ الْعَلِيُّ الْعَظِيمُ 255 ٢٥٥

Si Allāh, walang Diyos kundi Siya, ang Buháy, ang Mapagpanatili. Walang nakatatangay sa Kanya na isang antok ni isang pagkatulog. Sa Kanya ang anumang nasa mga langit at ang anumang nasa lupa. Sino itong mamamagitan sa piling Niya malibang ayon pahintulot Niya? Nakaaalam Siya sa anumang nasa harapan nila at anumang nasa likuran nila. Hindi sila nakapapaligid sa anuman mula sa kaalaman Niya malibang ayon sa niloob Niya. Sumakop ang silya Niya sa mga langit at lupa at hindi nakabibigat sa Kanya ang pangangalaga sa mga ito. Siya ay ang Mataas, ang Sukdulan. (255)

Tafsīr
Si Allāh, na walang Diyos na sinasamba ayon sa karapatan kundi Siya lamang na walang iba pa sa Kanya, ay ang Buháy ayon sa buhay na lubos na walang kamatayan dito ni kakulangan, ang Mapagpanatili na nanatili sa pamamagitan ng sarili Niya kaya malaya Siya sa pangangailangan sa lahat ng nilikha Niya. Sa pamamagitan Niya nanatili ang lahat ng mga nilikha kaya hindi sila lumalaya sa pangangailangan sa Kanya sa lahat ng mga kalagayan nila. Hindi Siya nadadala ng antok ni ng pagkatulog dahil sa kalubusan ng buhay Niya at pagkamapagpanatili Niya. Ukol sa Kanya lamang ang paghahari sa anumang nasa mga langit at anumang nasa lupa. Hindi nakapangyayari ang isa man na mamamagitan sa harapan Niya para sa isa man malibang matapos ng pahintulot Niya at lugod Niya. Nakaaalam Siya sa anumang nagdaan na mga nauukol sa mga nilikha kabilang sa anumang magaganap, at anumang hinaharap nila kabilang sa anumang hindi pa naganap. Hindi sila pumapaligid sa anuman mula sa kaalaman Niya – pagkataas-taas Siya – malibang ayon sa anumang niloob Niya na ipabatid sa kanila. Sumaklaw ang luklukan Niya – ang lalagyan ng mga paa ng Panginoon – sa mga langit at lupa sa kabila ng lawak ng mga ito at laki ng mga ito. Hindi nakabibigat sa Kanya o nagpapahirap sa Kanya ang pangangalaga sa mga ito. Siya ay ang Mataas sa sarili Niya, kapangyarihan Niya, at pananaig Niya, ang Sukdulan sa paghahari Niya at kapamahalaan Niya.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba