Surah Al-Baqarah (Ang Baka — البقرة) (Talata 259)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




2 Al-Baqarah(البقرة), Talata 259

أَوْ كَالَّذِي مَرَّ عَلَىٰ قَرْيَةٍ وَهِيَ خَاوِيَةٌ عَلَىٰ عُرُوشِهَا قَالَ أَنَّىٰ يُحْيِي هَٰذِهِ اللَّهُ بَعْدَ مَوْتِهَا ۖ فَأَمَاتَهُ اللَّهُ مِائَةَ عَامٍ ثُمَّ بَعَثَهُ ۖ قَالَ كَمْ لَبِثْتَ ۖ قَالَ لَبِثْتُ يَوْمًا أَوْ بَعْضَ يَوْمٍ ۖ قَالَ بَلْ لَبِثْتَ مِائَةَ عَامٍ فَانْظُرْ إِلَىٰ طَعَامِكَ وَشَرَابِكَ لَمْ يَتَسَنَّهْ ۖ وَانْظُرْ إِلَىٰ حِمَارِكَ وَلِنَجْعَلَكَ آيَةً لِلنَّاسِ ۖ وَانْظُرْ إِلَى الْعِظَامِ كَيْفَ نُنْشِزُهَا ثُمَّ نَكْسُوهَا لَحْمًا ۚ فَلَمَّا تَبَيَّنَ لَهُ قَالَ أَعْلَمُ أَنَّ اللَّهَ عَلَىٰ كُلِّ شَيْءٍ قَدِيرٌ 259 ٢٥٩

O gaya ng naparaan sa isang pamayanan samantalang iyon ay gumuho sa mga bubungan niyon. Nagsabi ito: “Paanong magbibigay-buhay rito si Allāh matapos ng kamatayan nito?” Kaya nagbigay-kamatayan dito si Allāh ng isandaang taon, pagkatapos bumuhay Siya rito. Nagsabi Siya: “Gaano ka katagal namalaging [patay]?” Nagsabi ito: “Namalagi akong [patay] ng isang araw o ng isang bahagi ng isang araw.” Nagsabi Siya: “Bagkus namalagi ka ng isandaang taon. Tumingin ka sa pagkain mo at inumin mo, hindi ito nagbago. Tumingin ka sa asno mo, at upang gawin ka Naming isang tanda para sa mga tao. Tumingin ka sa mga buto [ng asno] kung papaano Kaming magbabangon sa mga ito, pagkatapos magbabalot sa mga ito ng laman.” Kaya noong luminaw ito sa kanya ay nagsabi siya: “Nalalaman ko na si Allāh sa bawat bagay ay May-kakayahan.” (259)

Tafsīr
O nakakita ka ba ng tulad sa naparaan sa isang pamayanang bumagsak ang mga bubong niyon, gumuho ang mga dingding niyon, at nalipol ang mga naninirahan doon kaya naging mapanglaw at walang tao? Nagsabi ang lalaking ito habang nagtataka: "Papaanong magbibigay-buhay si Allāh sa mga nanirahan sa pamayanang ito mula ng matapos ng kamatayan nito?" Kaya nagbigay-kamatayan dito si Allāh sa yugtong isandaang taon. Pagkatapos nagbigay-buhay Siya rito at nagtanong rito. Nagsabi naman Siya rito: "Gaano katagal ka namalaging patay?" Nagsabi ito habang sumasagot: "Namalagi ako sa yugtong isang araw o isang bahagi ng isang araw." Nagsabi Siya rito: "Bagkus namalagi ka ng isandaang taon. Tumingin ka sa dating dala mong pagkain at inumin sapagkat hayan: nananatili sa kalagayan niyan na hindi nagbago gayong kay bilis na dumadapo ang pagbabago sa pagkain at inumin. Tumingin ka sa asno mong patay, at upang gawin ka Naming isang palatandaang malinaw para sa mga tao, na nagpapatunay sa kapangyarihan Namin sa pagbuhay sa kanila.Tumingin ka sa mga buto ng asno mong nagkahiwa-hiwalay at nagkalayu-layo kung papaanong mag-aangat Kami sa mga ito at magsasama Kami sa bahagi ng mga ito sa ibang bahagi, pagkatapos magbabalot Kami sa mga ito matapos niyon ng laman at magpapanumbalik Kami rito ng buhay." Kaya noong nakita nito iyon ay luminaw rito ang reyalidad ng usapin at nalaman nito ang kapangyarihan ni Allāh kaya nagsabi ito habang umaamin niyon: "Nalalaman ko na si Allāh sa bawat bagay ay May-kakayahan."

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba