Surah Al-Baqarah (Ang Baka — البقرة) (Talata 25)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




2 Al-Baqarah(البقرة), Talata 25

وَبَشِّرِ الَّذِينَ آمَنُوا وَعَمِلُوا الصَّالِحَاتِ أَنَّ لَهُمْ جَنَّاتٍ تَجْرِي مِنْ تَحْتِهَا الْأَنْهَارُ ۖ كُلَّمَا رُزِقُوا مِنْهَا مِنْ ثَمَرَةٍ رِزْقًا ۙ قَالُوا هَٰذَا الَّذِي رُزِقْنَا مِنْ قَبْلُ ۖ وَأُتُوا بِهِ مُتَشَابِهًا ۖ وَلَهُمْ فِيهَا أَزْوَاجٌ مُطَهَّرَةٌ ۖ وَهُمْ فِيهَا خَالِدُونَ 25 ٢٥

Magbalita ka ng nakagagalak sa mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos na ukol sa kanila ay mga Hardin na dumadaloy mula sa ilalim ng mga ito ang mga ilog. Sa tuwing tinutustusan sila mula sa mga ito ng bunga bilang panustos ay nagsasabi sila: “Ito ay ang itinustos sa amin bago pa niyan.” Bibigyan sila nito na nagkakawangisan [na nagkakaiba sa lasa]. Ukol sa kanila roon ay mga asawang dinalisay at sila ay doon mga mananatili. (25)

Tafsīr
Kapag ang bantang nauna ay ukol sa mga tagatangging sumampalataya, magbalita ka, O Propeta, sa mga mananampalataya kay Allāh na gumagawa ng mga maayos ng ikatutuwa nila na mga harding dumadaloy ang mga ilog mula sa ilalim ng mga palasyo ng mga ito at mga punung-kahoy ng mga ito. Sa tuwing pinakakain sila mula sa mga kaaya-ayang bunga ng mga ito bilang panustos ay nagsasabi sila dala ng tindi ng pagkakahawig sa mga bunga sa Mundo: "Ito ay tulad ng mga bunga na itinustos sa amin bago pa niyan." Maghahain para sa kanila ng mga bungang nakawawangis sa anyo at pangalan ng mga bunga sa Mundo upang pumansin sila sa mga ito alinsunod sa pagkakilala sa mga ito subalit ang mga bunga sa Paraiso ay naiiba sa lasa at panlasa sa mga bunga sa Mundo. Ukol sa kanila sa Paraiso ay mga asawa na inalisan ng bawat inaayawan ng kaluluwa at minamarumi sa kalikasan kabilang sa naguguniguni sa mga naninirahan sa lupa. Sila ay nasa kaginhawahan na palagiang hindi mapuputol, bilang kasalungatan naman sa napuputol na kaginhawahan sa Mundo.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba