Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Ang paghahalintulad sa mga gumugugol ng mga salapi nila dala ng paghahangad sa kaluguran ni Allāh at sa pagpapatatag sa mga sarili nila ay gaya ng paghahalintulad sa isang hardin sa nakaumbok na lupa na may tumama rito na isang masaganang ulan kaya nagbigay ito ng mga bunga nito nang dalawang ibayo, at kung walang tumama rito na isang masaganang ulan ay may ambon naman [na sasapat]. Si Allāh, sa anumang ginagawa ninyo, ay Nakakikita. (265)
Tafsīr
Ang paghahalintulad sa mga mananampalataya na mga nagkakaloob ng mga salapi nila sa paghahanap ng pagkalugod ni Allāh habang natitiwasay ang mga sarili nila sa katapatan ng pangako ni Allāh, nang hindi napipilitan, ay kahalintulad ng isang pataniman sa isang lugar na nakaangat na kaaya-aya na may tumama rito na isang ulan na masagana kaya nagpaluwal ito ng mga bungang pinag-ibayo. Kung walang tumama rito na isang ulan na masagana ay may tumama naman rito na isang ulan na mahina at nagkasya ito roon dito dahil sa pagkakaaya-aya ng lupa nito. Gayundin ang mga paggugol ng mga nagpapakawagas: tumatanggap nito si Allāh at nagpapaiibayo Siya sa pabuya nito kahit na ito ay kaunti. Si Allāh, sa anumang ginagawa ninyo, ay Nakakikita kaya hindi nakakukubli sa Kanya ang kalagayan ng mga nagpapakawagas at mga nagpapakitang-tao. Gaganti Siya sa bawat isa ayon sa nagiging karapat-dapat dito.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: