Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
O mga sumampalataya, gumugol kayo mula sa mga kaaya-ayang bagay na kinamit ninyo at mula sa mga pinalabas Namin para sa inyo mula sa lupa. Huwag kayong maglayon ng karima-rimarim mula roon, na gumugugol kayo samantalang kayo ay hindi mga tatanggap nito maliban na magpikit-mata kayo rito. Alamin ninyo na si Allāh ay Walang-pangangailangan, Kapuri-puri. (267)
Tafsīr
O mga sumampalataya kay Allāh at sumunod sa Sugo Niya, gumugol kayo mula sa yamang ipinahihintulot na kaaya-aya na kinamit ninyo at gumugol kayo mula sa mga pinalabas Namin para sa inyo mula sa halaman ng lupa. Huwag kayong maglayon ng masamang uri mula roon para gugulin ninyo, na samantalang kung sakaling ibinigay sa inyo ay hindi kayo tatanggap nito malibang kapag nagpikit-mata kayo rito, na mga napipilitan sa kasamaang-uri nito kaya papaanong malulugod kayo para kay Allāh sa hindi kayo malulugod para sa mga sarili ninyo? Alamin ninyo na si Allāh ay Walang-pangangailangan sa mga paggugol ninyo, pinupuri sa sarili Niya at mga gawa Niya.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: