Surah Al-Baqarah (Ang Baka — البقرة) (Talata 268)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




2 Al-Baqarah(البقرة), Talata 268

الشَّيْطَانُ يَعِدُكُمُ الْفَقْرَ وَيَأْمُرُكُمْ بِالْفَحْشَاءِ ۖ وَاللَّهُ يَعِدُكُمْ مَغْفِرَةً مِنْهُ وَفَضْلًا ۗ وَاللَّهُ وَاسِعٌ عَلِيمٌ 268 ٢٦٨

Ang demonyo ay nangangako sa inyo ng karalitaan at nag-uutos sa inyo ng kahalayan samantalang si Allāh ay nangangako sa inyo ng isang kapatawaran mula sa Kanya at isang kabutihang-loob. Si Allāh ay Malawak, Maalam. (268)

Tafsīr
Ang demonyo ay nagpapangamba sa inyo ng karalitaan, nag-uudyok sa inyo ng karamutan, at nag-aanyaya sa inyo ng paggawa ng mga kasalanan at mga pagsuway samantalang si Allāh ay nangangako sa inyo ng isang malaking kapatawaran sa mga pagkakasala ninyo at isang malawak na panustos. Si Allāh ay Malawak ang kabutihang-loob, Maalam sa mga kalagayan ng mga lingkod Niya.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba