Surah Al-Baqarah (Ang Baka — البقرة) (Talata 269)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




2 Al-Baqarah(البقرة), Talata 269

يُؤْتِي الْحِكْمَةَ مَنْ يَشَاءُ ۚ وَمَنْ يُؤْتَ الْحِكْمَةَ فَقَدْ أُوتِيَ خَيْرًا كَثِيرًا ۗ وَمَا يَذَّكَّرُ إِلَّا أُولُو الْأَلْبَابِ 269 ٢٦٩

Nagbibigay Siya ng karunungan sa sinumang niloloob Niya. Ang sinumang binigyan ng karunungan ay nabigyan nga ng kabutihang marami. Walang nagsasaalaala kundi ang mga may isip. (269)

Tafsīr
Nagbibigay Siya ng katamaan sa sinasabi at katumpakan sa ginagawa sa sinumang niloloob Niya kabilang sa mga lingkod Niya. Ang sinumang nabibigyan niyon ay nabigyan nga ng maraming kabutihan. Walang nagsasaalaala at napangangaralan ng mga tanda ni Allāh kundi ang mga may isip na lubos na nagpapatanglaw sa liwanag Niya at napapatnubayan ng patnubay Niya.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba