Surah Al-Baqarah (Ang Baka — البقرة) (Talata 284)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




2 Al-Baqarah(البقرة), Talata 284

لِلَّهِ مَا فِي السَّمَاوَاتِ وَمَا فِي الْأَرْضِ ۗ وَإِنْ تُبْدُوا مَا فِي أَنْفُسِكُمْ أَوْ تُخْفُوهُ يُحَاسِبْكُمْ بِهِ اللَّهُ ۖ فَيَغْفِرُ لِمَنْ يَشَاءُ وَيُعَذِّبُ مَنْ يَشَاءُ ۗ وَاللَّهُ عَلَىٰ كُلِّ شَيْءٍ قَدِيرٌ 284 ٢٨٤

Sa kay Allāh ang anumang nasa mga langit at ang anumang nasa lupa. Kung maglalantad kayo ng nasa mga sarili ninyo o magkukubli kayo nito, magtutuos sa inyo nito si Allāh, saka magpapatawad Siya sa sinumang niloloob Niya at magpaparusa Siya sa sinumang niloloob Niya. Si Allāh sa bawat bagay ay May-kakayahan. (284)

Tafsīr
Sa kay Allāh lamang ang anumang nasa mga langit at ang anumang nasa lupa sa paglikha, sa pagmamay-ari, at sa pangangasiwa. Kung magpapalitaw kayo ng anumang nasa mga puso ninyo o magkukubli kayo nito ay makaaalam nito si Allāh at magtutuos Siya sa inyo nito, saka magpapatawad Siya matapos niyon sa sinumang niloloob Niya bilang kagandahang-loob at awa, at magpaparusa Siya sa sinumang niloloob Niya bilang katarungan at karunungan. Si Allāh sa bawat bagay ay May-kakayahan.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba