Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Hindi nag-aatang si Allāh sa isang kaluluwa malibang ayon sa kaya nito. Ukol dito ang [gantimpala sa] kinamit nito at laban dito ang [ganti sa] nakamit nito. Panginoon namin, huwag Kang magpanagot sa amin kung nakalimot kami o nagkamali kami. Panginoon namin, huwag Kang magpabuhat sa amin ng isang pabigat na gaya ng ipinabuhat Mo sa mga bago pa namin. Panginoon namin, huwag Kang magpapasan sa amin ng anumang wala kaming lakas doon. Magpaumanhin Ka sa amin, magpatawad Ka sa amin, at maawa Ka sa amin. Ikaw ay Mapagtangkilik sa amin, kaya mag-adya Ka sa amin laban sa mga taong tagatangging sumampalataya. (286)
Tafsīr
Hindi nag-aatang si Allāh sa isang kaluluwa maliban sa anumang makakaya nito na mga gawain dahil ang Relihiyon ni Allāh ay nakabatay sa ginhawa kaya walang pabigat dito. Ang sinumang nagkamit ng kabutihan ay ukol sa kanya ang gantimpala sa anumang ginawa niya nang hindi nagbabawas mula rito ng anuman. Ang sinumang nagkamit ng kasamaan ay para sa kanya ang ganti ng nakamit niyang pagkakasala; hindi magbubuhat nito para sa kanya ang iba pa sa kanya. Nagsabi ang Sugo at ang mga mananampalataya: "Panginoon namin, huwag Kang magparusa sa amin kung nakalimot kami o nagkamali kami sa ginawa o sinabi nang walang paglalayon mula sa amin. Panginoon namin, huwag Kang mag-atang sa amin ng magpapabigat sa amin at hindi namin makakaya gaya ng pag-atang Mo sa mga nauna pa sa amin kabilang sa mga pinarusahan Mo dahil sa kawalang-katarungan nila, gaya ng mga Hudyo. Huwag Kang magpapasan sa amin ng magpapabigat sa amin at hindi namin makakaya na mga ipinag-uutos at mga sinasaway. Magpalampas Ka sa mga pagkakasala namin, magpatawad Ka sa amin, at maawa Ka sa amin sa pamamagitan ng kabutihang-loob Mo. Ikaw ay Katangkilik namin at Tagaadya namin, kaya mag-adya Ka sa amin laban sa mga taong tagatangging sumampalataya.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: