Surah Al-Baqarah (Ang Baka — البقرة) (Talata 31)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




2 Al-Baqarah(البقرة), Talata 31

وَعَلَّمَ آدَمَ الْأَسْمَاءَ كُلَّهَا ثُمَّ عَرَضَهُمْ عَلَى الْمَلَائِكَةِ فَقَالَ أَنْبِئُونِي بِأَسْمَاءِ هَٰؤُلَاءِ إِنْ كُنْتُمْ صَادِقِينَ 31 ٣١

Nagturo Siya kay Adan ng mga pangalan sa kalahatan ng mga ito. Pagkatapos naglahad Siya sa mga ito sa mga anghel at nagasabi: “Magbalita kayo sa Akin ng mga pangalan ng mga ito kung kayo ay mga tapat.” (31)

Tafsīr
Para sa paglilinaw sa kalagayan ni Adan – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – nagturo sa kanya si Allāh – pagkataas-taas Siya – ng mga pangalan ng mga bagay sa kabuuan ng mga ito gaya ng hayop, walang-buhay na bagay, at iba pa roon: ang mga salita sa mga ito at ang mga kahulugan ng mga ito. Pagkatapos naglahad Siya ng mga pinangalanang iyon sa mga anghel, na nagsasabi: "Magpabatid kayo sa Akin ng mga pangalan ng mga ito, kung kayo ay mga tapat sa sinasabi ninyo na kayo ay higit na marangal kaysa sa nilikhang ito at higit na mainam kaysa sa kanya."

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba