Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Ngunit nagpatisod sa kanilang dalawa ang demonyo palayo roon at nagpalabas siya sa kanilang dalawa mula sa dating kinaroroonan nilang dalawa. Nagsabi Kami: “Lumapag kayo; ang iba sa inyo para sa iba ay kaaway. Ukol sa inyo sa lupa ay isang pinagtitigilan at isang natatamasa hanggang sa isang panahon.” (36)
Tafsīr
Ngunit hindi tumigil ang demonyo sa pagbulong sa kanilang dalawa at panghahalina hanggang sa nagpasadlak siya sa kanilang dalawa sa pagkatisod at kamalian dahil sa pagkain mula sa punung-kahoy na iyon na sinaway ni Allāh sa kanilang dalawa. Kaya ang naging ganti sa kanilang dalawa ay nagpalabas sa kanilang dalawa si Allāh mula sa Paraiso na dating kinaroroonan nilang dalawa. Nagsabi si Allāh sa kanilang dalawa at sa demonyo: "Bumaba kayo sa lupa. Ang ilan sa inyo ay mga kaaway ng iba. Ukol sa inyo sa lupang iyon ay isang paninigilan, pananatili, at pagtatamasa sa anumang naroon na mga biyaya hanggang sa magwakas ang mga taning ninyo at sumapit ang Huling Sandali."
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: