Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
O mga anak ni Israel, alalahanin ninyo ang biyaya Ko na ibiniyaya Ko sa inyo at magpatupad kayo sa kasunduan sa Akin, magpapatupad Ako sa kasunduan sa inyo. Sa Akin ay mangilabot kayo. (40)
Tafsīr
O mga anak ng propeta ni Allāh na si Jacob, magsaalaala kayo sa mga biyaya ni Allāh na nagkakasunud-sunuran sa inyo at magpasalamat kayo sa mga iyon. Manatili kayo sa pagtupad sa kasunduan Ko sa inyo na pananampalataya sa Akin at sa mga sugo Ko at paggawa ayon sa mga batas Ko. Kaya kung tumupad kayo rito ay magpapatupad Ako sa kasunduan Ko para sa inyo kaugnay sa anumang ipinangako Ko sa inyo na kaaya-ayang buhay na pangmundo at magandang ganti sa Araw ng Pagbangon. Sa Akin lamang ay mangamba kayo at huwag kayong kumalas sa kasunduan sa Kanya.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: