Surah Al-Baqarah (Ang Baka — البقرة) (Talata 45)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




2 Al-Baqarah(البقرة), Talata 45

وَاسْتَعِينُوا بِالصَّبْرِ وَالصَّلَاةِ ۚ وَإِنَّهَا لَكَبِيرَةٌ إِلَّا عَلَى الْخَاشِعِينَ 45 ٤٥

Magpatulong kayo sa pamamagitan ng pagtitiis at pagdarasal. Tunay na ito ay talagang mabigat maliban sa mga nagtataimtim [kay Allāh], (45)

Tafsīr
Humingi kayo ng tulong sa lahat ng mga kalagayan ninyong panrelihiyon at pangmundo nang may pagtitiis at pagdarasal na nagpapalapit sa inyo kay Allāh at nag-uugnay sa inyo sa Kanya sapagkat tutulong Siya sa inyo, mangangalaga Siya sa inyo, at mag-aalis Siya sa inyo ng anumang kapinsalaan. Tunay na ang pagdarasal ay talagang mahirap at mabigat maliban sa mga nagpapasailalim sa Panginoon nila.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba