Surah Al-Baqarah (Ang Baka — البقرة) (Talata 54)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




2 Al-Baqarah(البقرة), Talata 54

وَإِذْ قَالَ مُوسَىٰ لِقَوْمِهِ يَا قَوْمِ إِنَّكُمْ ظَلَمْتُمْ أَنْفُسَكُمْ بِاتِّخَاذِكُمُ الْعِجْلَ فَتُوبُوا إِلَىٰ بَارِئِكُمْ فَاقْتُلُوا أَنْفُسَكُمْ ذَٰلِكُمْ خَيْرٌ لَكُمْ عِنْدَ بَارِئِكُمْ فَتَابَ عَلَيْكُمْ ۚ إِنَّهُ هُوَ التَّوَّابُ الرَّحِيمُ 54 ٥٤

[Banggitin] noong nagsabi si Moises sa mga kalipi niya: “O mga kalipi ko, tunay na kayo ay lumabag sa katarungan sa mga sarili ninyo sa paggawa ninyo sa guya [bilang diyus-diyusan] kaya magbalik-loob kayo sa Tagapaglalang ninyo at patayin ninyo ang mga [may-salang] kapwa ninyo. Iyon ay higit na mabuti para sa inyo sa ganang Tagapaglalang ninyo;” saka tumanggap Siya ng pagbabalik-loob ninyo. Tunay na Siya ay ang Palatanggap ng pagbabalik-loob, ang Maawain. (54)

Tafsīr
Banggitin ninyo: Kabilang sa mga biyayang ito na nagtuon sa inyo si Allāh sa pagbabalik-loob mula sa pagsamba sa guya yayamang nagsabi si Moises – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – sa inyo: "Tunay na kayo ay lumabag sa katarungan sa mga sarili ninyo sa paggawa ninyo ng guya bilang isang diyos na sinasamba ninyo. Kaya magbalik-loob kayo at bumalik kayo sa Tagalikha ninyo at Tagapagpairal ninyo." Iyon ay sa pamamagitan ng pagpatay ng iba sa inyo sa iba. Ang pagbabalik-loob sa paraang ito ay higit na mabuti para sa inyo kaysa sa pananatili sa kawalang-pananampalatayang hahantong sa pamamalagi sa Impiyerno. Kaya nagsagawa kayo niyon ayon sa isang pagtutuon mula kay Allāh at isang pagtulong, at tumanggap Siya sa inyo ng pagbabalik-loob dahil Siya ay madalas ang pagtanggap ng pagbabalik-loob, maawain sa mga lingkod Niya."

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba