Surah Al-Baqarah (Ang Baka — البقرة) (Talata 58)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




2 Al-Baqarah(البقرة), Talata 58

وَإِذْ قُلْنَا ادْخُلُوا هَٰذِهِ الْقَرْيَةَ فَكُلُوا مِنْهَا حَيْثُ شِئْتُمْ رَغَدًا وَادْخُلُوا الْبَابَ سُجَّدًا وَقُولُوا حِطَّةٌ نَغْفِرْ لَكُمْ خَطَايَاكُمْ ۚ وَسَنَزِيدُ الْمُحْسِنِينَ 58 ٥٨

[Banggitin] noong nagsabi Kami: “Magsipasok kayo sa pamayanang ito at kumain kayo mula rito saanman ninyo loobin nang masagana. Magsipasok kayo sa pinto na mga nakayukod. Magsabi kayo: “Pag-aalis-sala,” magpapatawad Kami sa inyo sa mga kasalanan ninyo at magdaragdag Kami sa mga tagapagpaganda ng gawa. (58)

Tafsīr
Banggitin ninyo: Kabilang sa mga biyaya ni Allāh sa inyo ay noong nagsabi Siya: "Magsipasok kayo sa Jerusalem at kumain kayo nang masaganang maalwang pagkain sa loob nito mula mga kaaya-ayang bagay mula sa alinmang lugar na loobin ninyo. Maging mga nakayukod na nagpapasailalim kay Allāh. Magsihiling kayo kay Allāh, na mga nagsasabi: "Panginoon namin, mag-alis Ka sa amin ng mga pagkakasala namin;" tutugon Siya sa inyo at magdaragdag Siya ng gantimpala sa mga nagpaganda sa mga gawa nila dahil sa pagpapaganda nila ng gawa.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba