Surah Al-Baqarah (Ang Baka — البقرة) (Talata 60)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




2 Al-Baqarah(البقرة), Talata 60

وَإِذِ اسْتَسْقَىٰ مُوسَىٰ لِقَوْمِهِ فَقُلْنَا اضْرِبْ بِعَصَاكَ الْحَجَرَ ۖ فَانْفَجَرَتْ مِنْهُ اثْنَتَا عَشْرَةَ عَيْنًا ۖ قَدْ عَلِمَ كُلُّ أُنَاسٍ مَشْرَبَهُمْ ۖ كُلُوا وَاشْرَبُوا مِنْ رِزْقِ اللَّهِ وَلَا تَعْثَوْا فِي الْأَرْضِ مُفْسِدِينَ 60 ٦٠

[Banggitin] noong humiling ng tubig si Moises para sa mga kalipi niya kaya nagsabi Kami: “Humampas ka ng tungkod mo sa bato.” Kaya bumulwak mula roon ang labindalawang bukal. Nakaalam nga ang bawat [pangkat ng] mga tao sa inuman nila. Kumain kayo at uminom kayo mula sa panustos ni Allāh at huwag kayong manampalasan sa lupa bilang mga tagagulo. (60)

Tafsīr
Banggitin ninyo: Kabilang sa mga biyaya ni Allāh sa inyo ay noong kayo dati ay nasa ilang at dumapo sa inyo ang matinding uhaw kaya nagsumamo si Moises – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – sa Panginoon niya at humiling siya na magpainom sa inyo. Kaya nag-utos si Allāh sa kanya na humampas ng tungkod niya sa bato. Kaya noong nakahampas siya roon, bumulwak mula roon ang labindalawang bukal ayon sa bilang ng mga lipi nila. Dumaloy mula sa mga iyon ang tubig. Nilinaw Niya sa bawat lipi ang lugar ng inuman nitong inilalaan para rito upang walang maganap na alitan sa pagitan nila. Nagsabi Siya sa kanila: "Kumain kayo at uminom kayo mula sa panustos ni Allāh na umakay sa inyo nang walang pagpupunyagi mula sa inyo at walang paggawa. Huwag kayong magpunyagi sa lupa bilang mga tagagulo rito."

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba