Surah Al-Baqarah (Ang Baka — البقرة) (Talata 61)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




2 Al-Baqarah(البقرة), Talata 61

وَإِذْ قُلْتُمْ يَا مُوسَىٰ لَنْ نَصْبِرَ عَلَىٰ طَعَامٍ وَاحِدٍ فَادْعُ لَنَا رَبَّكَ يُخْرِجْ لَنَا مِمَّا تُنْبِتُ الْأَرْضُ مِنْ بَقْلِهَا وَقِثَّائِهَا وَفُومِهَا وَعَدَسِهَا وَبَصَلِهَا ۖ قَالَ أَتَسْتَبْدِلُونَ الَّذِي هُوَ أَدْنَىٰ بِالَّذِي هُوَ خَيْرٌ ۚ اهْبِطُوا مِصْرًا فَإِنَّ لَكُمْ مَا سَأَلْتُمْ ۗ وَضُرِبَتْ عَلَيْهِمُ الذِّلَّةُ وَالْمَسْكَنَةُ وَبَاءُوا بِغَضَبٍ مِنَ اللَّهِ ۗ ذَٰلِكَ بِأَنَّهُمْ كَانُوا يَكْفُرُونَ بِآيَاتِ اللَّهِ وَيَقْتُلُونَ النَّبِيِّينَ بِغَيْرِ الْحَقِّ ۗ ذَٰلِكَ بِمَا عَصَوْا وَكَانُوا يَعْتَدُونَ 61 ٦١

[Banggitin] noong nagsabi kayo: “O Moises, hindi kami makatitiis sa nag-iisang [pares ng] pagkain; kaya manalangin ka para sa amin sa Panginoon mo, magpapalabas Siya para sa amin ng pinatutubo ng lupa gaya ng mga halaman nito, mga pipino nito, mga bawang nito, mga lentiha nito, at mga sibuyas nito.” Nagsabi [si Moises]: “Magpapalit ba kayo ng higit na hamak sa higit na mabuti? Bumaba kayo sa isang kabayanan sapagkat tunay na ukol sa inyo ang hiningi ninyo.” Itinatak sa kanila ang kaabahan at ang karukhaan at bumalik sila kalakip ng isang galit mula kay Allāh. Iyon ay dahil sila noon ay tumatangging sumampalataya sa mga tanda ni Allāh at pumapatay sa mga propeta nang walang karapatan. Iyon ay dahil sumuway sila, at sila noon ay lumalabag. (61)

Tafsīr
Banggitin ninyo nang tumanggi kayong magpasalamat sa biyaya ng Panginoon ninyo saka nagsawa kayo sa pagkain ng pinababa ni Allāh sa inyo na manna at pugo. Nagsabi kayo: "Hindi kami makatitiis sa iisang [pares ng] pagkaing hindi nagbabago-bago." Kaya humiling kayo mula kay Moises – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – na dumalangin siya kay Allāh na magpalabas para sa inyo ng mga halaman ng lupa gaya ng mga gulay nito, mga pipinong ehipsiyo nito (nakawawangis ng pipino subalit ang mga ito ay higit na malaki), mga butil nito, mga lentiha nito, at mga sibuyas nito, bilang pagkain." Kaya nagsabi si Moises – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – habang nagmamasama sa hiling ninyo: "Ipagpapalit ba ninyo sa siyang higit na kaunti at higit na mababa ang manna at ang pugo samantalang ang mga ito ay higit na mabuti at higit na marangal, gayong dumarating ito sa inyo nang walang hirap at pagod? Bumaba kayo mula sa lupaing ito tungo sa alinmang pamayanan saka makatatagpo kayo ng hinihingi ninyo sa mga taniman niyon at mga palengke niyon." Dahil sa pagsunod nila sa mga pithaya nila at pag-ayaw nilang paulit-ulit sa pinili ni Allāh para sa kanila, kumapit sa kanila ang kaabahan, ang karalitaan, at ang kasawiang-palad, at bumalik sila kalakip ng isang galit mula kay Allāh dahil sa pag-ayaw nila sa Relihiyon Niya, kawalang-pananampalataya nila sa mga tanda Niya, at pagpatay nila sa mga propeta Niya dala ng kawalang-katarungan at pang-aaway. Lahat ng iyon ay dahilan sa sila ay sumuway kay Allāh at sila noon ay lumalampas sa mga hangganan Niya.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba