Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
[Banggitin] noong tumanggap Kami ng kasunduan sa inyo [O mga anak ni Israel] at nag-angat Kami sa ibabaw ninyo ng bundok, [na nag-uutos]: “Tanggapin ninyo ang [Torah na] ibinigay Namin sa inyo nang may lakas at alalahanin ninyo ang anumang narito, nang sa gayon kayo ay mangingilag magkasala.” (63)
Tafsīr
Banggitin ninyo ang tinanggap Namin sa inyo na tipang binigyang-diin, na pananampalataya kay Allāh at sa Sugo Niya. Nag-angat Kami ng bundok sa ibabaw ninyo bilang pagpapangamba sa inyo at pagbabala laban sa paghinto sa paggawa ayon sa tipan habang nag-uutos sa inyo ng pagtanggap sa pinababa Namin sa inyo na Torah nang may pagsisikhay at pagsisikap, nang walang panghahamak at katamaran. Ingatan ninyo ang nilalaman nito at pagnilay-nilayan ninyo ito, nang sa gayon kayo, sa pamamagitan ng pagsagawa niyon, ay mangingilag sa parusa ni Allāh – pagkataas-taas Siya.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: