Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Nagsabi sila: “Dumalangin ka para amin sa Panginoon mo, magpapalinaw Siya para sa amin kung ano ito; tunay na ang mga baka ay nagkahawigan sa amin. Tunay na kami, kung niloob ni Allāh, ay talagang mga mapapatnubayan [tungo sa bakang kakatayin].” (70)
Tafsīr
Pagkatapos nagpumilit sila sa pang-iinis nila, na mga nagsasabi: "Dumalangin ka para sa amin sa Panginoon mo upang magpalinaw Siya para sa amin bilang karagdagan sa mga katangian nito dahil ang mga bakang inilarawan sa mga katangiang nabanggit ay marami: hindi kami nakakakaya sa pagtukoy nito mula sa mga iyon," habang mga nagbibigay-diin na sila – kung niloob ni Allāh – ay mga mapapatnubayan tungo sa bakang hinihiling katayin.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: