Surah Al-Baqarah (Ang Baka — البقرة) (Talata 73)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




2 Al-Baqarah(البقرة), Talata 73

فَقُلْنَا اضْرِبُوهُ بِبَعْضِهَا ۚ كَذَٰلِكَ يُحْيِي اللَّهُ الْمَوْتَىٰ وَيُرِيكُمْ آيَاتِهِ لَعَلَّكُمْ تَعْقِلُونَ 73 ٧٣

Kaya nagsabi Kami: “Humampas kayo sa kanya [na namatay] ng bahagi ng [kinatay na bakang] iyon.” Gayon nagbibigay-buhay si Allāh sa mga patay. Nagpapakita Siya sa inyo ng mga tanda Niya, nang sa gayon kayo makapag-uunawa. (73)

Tafsīr
Kaya nagsabi Kami sa inyo: "Humampas kayo sa pinatay ng isang bahagi ng bakang ipinag-utos sa inyong katayin sapagkat tunay na si Allāh ay magbibigay-buhay sa kanya upang magpabatid sa kanya kung sino ang pumatay." Kaya ginawa nila iyon, at nagpabatid sa kanya ng pumatay sa kanya. Tulad ng pagbibigay-buhay sa patay na ito, magbibigay-buhay si Allāh sa mga patay sa Araw ng Pagbangon. Nagpapakita Siya sa inyo ng mga patunay na malinaw sa kakayahan Niya, nang sa gayon kayo ay makapag-uunawa niyon at sumampalataya nang totoo kay Allāh – pagkataas-taas Siya.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba