Surah Al-Baqarah (Ang Baka — البقرة) (Talata 85)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




2 Al-Baqarah(البقرة), Talata 85

ثُمَّ أَنْتُمْ هَٰؤُلَاءِ تَقْتُلُونَ أَنْفُسَكُمْ وَتُخْرِجُونَ فَرِيقًا مِنْكُمْ مِنْ دِيَارِهِمْ تَظَاهَرُونَ عَلَيْهِمْ بِالْإِثْمِ وَالْعُدْوَانِ وَإِنْ يَأْتُوكُمْ أُسَارَىٰ تُفَادُوهُمْ وَهُوَ مُحَرَّمٌ عَلَيْكُمْ إِخْرَاجُهُمْ ۚ أَفَتُؤْمِنُونَ بِبَعْضِ الْكِتَابِ وَتَكْفُرُونَ بِبَعْضٍ ۚ فَمَا جَزَاءُ مَنْ يَفْعَلُ ذَٰلِكَ مِنْكُمْ إِلَّا خِزْيٌ فِي الْحَيَاةِ الدُّنْيَا ۖ وَيَوْمَ الْقِيَامَةِ يُرَدُّونَ إِلَىٰ أَشَدِّ الْعَذَابِ ۗ وَمَا اللَّهُ بِغَافِلٍ عَمَّا تَعْمَلُونَ 85 ٨٥

Pagkatapos kayo itong pumapatay sa mga kapwa ninyo at nagpapalisan sa isang pangkat kabilang sa inyo mula sa mga tahanan nila, habang nagtataguyudan kayo laban sa kanila sa kasalanan at pangangaway. Kung pumupunta sila sa inyo bilang mga bihag ay tumutubos kaya sa kanila samantalang ipinagbabawal sa inyo ang pagpapalisan sa kanila [mula sa mga tahanan nila]. Kaya sumasampalataya ba kayo sa isang bahagi ng Aklat at tumatanggi kayong sumampalataya sa isang bahagi? Kaya walang ganti sa sinumang gumagawa niyon kabilang sa inyo kundi isang kahihiyan sa buhay na pangmundo. Sa Araw ng Pagbangon ay ipagtutulakan sila sa pinakamatindi sa pagdurusa. Si Allāh ay hindi nalilingat sa anumang ginagawa ninyo. (85)

Tafsīr
Pagkatapos kayo ay sumasalungat sa tipang ito sapagkat pumapatay ang iba sa inyo sa iba pa at nagpapalisan kayo sa isang pangkat kabilang sa inyo mula sa mga tahanan nila, habang nagpapatulong kayo laban sa kanila sa mga kaaway dala ng kawalang-katarungan at pangangaway. Kapag dumating sila sa inyo bilang mga bihag sa mga kamay ng mga kaaway, nagpupunyagi kayo sa pagbayad ng pantubos upang magpalaya sa kanila sa pagkabihag sa kanila gayong ang pagpapalisan sa kanila mula sa mga tahanan nila ay ipinagbabawal sa inyo. Kaya papaanong sumasampalataya kayo sa isang bahagi ng nasa Torah na pagkatungkulin ng pagtubos sa mga bilanggo samantalang tumatanggi naman kayong sumampalataya sa ibang bahagi ng nasaad dito na pangangalaga sa mga buhay at pagpigil sa pagpapalisan ng ilan sa inyo sa iba pa mula sa mga tahanan nila? Kaya walang ukol sa gumagawa niyon kabilang sa inyo bilang ganti kundi ang kaabahan at ang pagkahamak sa buhay na pangmundo. Tungkol naman sa Kabilang-buhay, tunay na siya ay ipagtutulakan sa pinakamatindi sa pagdurusa. Si Allāh ay hindi nalilingat sa anumang ginagawa ninyo, bagkus Siya ay nakababatid doon at gaganti sa inyo dahil doon.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba