Surah Al-Baqarah (Ang Baka — البقرة) (Talata 91)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




2 Al-Baqarah(البقرة), Talata 91

وَإِذَا قِيلَ لَهُمْ آمِنُوا بِمَا أَنْزَلَ اللَّهُ قَالُوا نُؤْمِنُ بِمَا أُنْزِلَ عَلَيْنَا وَيَكْفُرُونَ بِمَا وَرَاءَهُ وَهُوَ الْحَقُّ مُصَدِّقًا لِمَا مَعَهُمْ ۗ قُلْ فَلِمَ تَقْتُلُونَ أَنْبِيَاءَ اللَّهِ مِنْ قَبْلُ إِنْ كُنْتُمْ مُؤْمِنِينَ 91 ٩١

Kapag sinabi sa kanila: “Sumampalataya kayo sa pinababa ni Allāh [na Qur’ān],” ay nagsasabi sila: “Sumasampalataya kami sa pinababa sa amin [na mga kasulatan].” Tumatanggi silang sumampalataya sa iba pa roon samantalang ito ay ang katotohanan bilang tagapagpatotoo para sa taglay nila. Sabihin mo: “Kaya bakit pumapatay kayo ng mga propeta ni Allāh bago pa niyan kung kayo ay mga mananampalataya?” (91)

Tafsīr
Kapag sinabi sa mga Hudyong ito: "Sumampalataya kayo sa pinababa ni Allāh sa Sugo Niya na katotohanan at patnubay," ay nagsasabi sila: "Sumasampalataya kami sa pinababa sa mga propeta namin." Tumatanggi silang sumampalataya sa anumang iba pa roon na pinababa kay Muḥammad gayong ang Qur'ān na ito ay ang katotohanang umaayon sa taglay nila mula kay Allāh. Kung sakaling sila ay sumasampalataya nang totohanan sa pinababa sa kanila, talaga sanang sumampalataya sila sa Qur'ān. Sabihin mo, O Propeta, bilang sagot sa kanila: "Bakit kayo pumapatay sa mga propeta ni Allāh bago pa niyan kung totohanang kayo ay naging mga mananampalataya sa inihatid nila sa inyo na katotohanan?"

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba