Surah Al-Baqarah (Ang Baka — البقرة) (Talata 96)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




2 Al-Baqarah(البقرة), Talata 96

وَلَتَجِدَنَّهُمْ أَحْرَصَ النَّاسِ عَلَىٰ حَيَاةٍ وَمِنَ الَّذِينَ أَشْرَكُوا ۚ يَوَدُّ أَحَدُهُمْ لَوْ يُعَمَّرُ أَلْفَ سَنَةٍ وَمَا هُوَ بِمُزَحْزِحِهِ مِنَ الْعَذَابِ أَنْ يُعَمَّرَ ۗ وَاللَّهُ بَصِيرٌ بِمَا يَعْمَلُونَ 96 ٩٦

Talagang makatatagpo ka nga sa kanila na pinakamasigasig sa mga tao sa buhay kaysa sa mga nagtambal [kay Allāh]. Nag-aasam ang isa sa kanila na kung sana palawigin siya ng isang libong taon samantalang ito ay hindi maghahango sa kanya mula sa pagdurusa na palawigin siya. Si Allāh ay Nakakikita sa anumang ginagawa nila. (96)

Tafsīr
Talagang matatagpuan ka nga, O Propeta, sa mga Hudyo na pinakamatindi sa mga tao sa sigasig sa buhay maging ito man ay kahamak-hamak at kaaba-aba. Bagkus sila ay higit na masigasig kaysa sa mga tagapagtambal na hindi naniniwala sa pagkabuhay at pagtutuos sa kabila ng kanilang pagiging mga May Kasulatan at naniniwala naman sila sa pagbubuhay at pagtutuos.Tunay na ang isa kabilang sa kanila ay naiibigan na umabot ang edad niya sa isang libong taon. Hindi maglalayo sa kanya sa parusa ni Allāh ang haba ng edad niya ano man ang abutin nito. Si Allāh ay nakababatid sa mga gawa nila, nakakikita sa mga ito: walang nakakukubli sa Kanya mula sa mga ito na anuman. Gaganti Siya sa kanila dahil sa mga ito.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba