Surah Ṭā Hā (Ta-Ha — طه) (Talata 100)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




20 Ṭā Hā(طه), Talata 100

مَنْ أَعْرَضَ عَنْهُ فَإِنَّهُ يَحْمِلُ يَوْمَ الْقِيَامَةِ وِزْرًا 100 ١٠٠

Ang sinumang umayaw rito, tunay na siya ay magpapasan sa Araw ng Pagbangon ng isang pabigat, (100)

Tafsīr
Ang sinumang umayaw sa Qur'ān na ito na pinababa sa iyo kaya hindi sumampalataya rito at hindi nagsagawa ng nasaad dito, tunay na siya ay pupunta sa Araw ng Pagbangon na nagpapasan ng isang kasalanang mabigat habang naging karapat-dapat sa isang parusang masakit.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba