Surah Ṭā Hā (Ta-Ha — طه) (Talata 47)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




20 Ṭā Hā(طه), Talata 47

فَأْتِيَاهُ فَقُولَا إِنَّا رَسُولَا رَبِّكَ فَأَرْسِلْ مَعَنَا بَنِي إِسْرَائِيلَ وَلَا تُعَذِّبْهُمْ ۖ قَدْ جِئْنَاكَ بِآيَةٍ مِنْ رَبِّكَ ۖ وَالسَّلَامُ عَلَىٰ مَنِ اتَّبَعَ الْهُدَىٰ 47 ٤٧

Kaya pumunta kayong dalawa sa kanya saka magsabi kayong dalawa sa kanya: ‘Tunay na kami ay dalawang sugo ng Panginoon mo kaya ipadala mo kasama sa amin ang mga anak ni Israel at huwag mo silang pagdusahin. Naghatid nga kami sa iyo ng isang tanda mula sa Panginoon mo. Ang kapayapaan ay sa sinumang sumunod sa patnubay. (47)

Tafsīr
Kaya pumunta kayong dalawa sa kanya saka magsabi kayong dalawa sa kanya: 'Tunay na kami ay dalawang sugo ng Panginoon mo, O Paraon, kaya ipadala mo kasama sa amin ang mga anak ni Israel at huwag mo silang pagdusahin sa pamamagitan ng pagpatay sa mga anak nila at pagpapanatiling buhay sa mga kababaihan nila. Dumating nga kami sa iyo kalakip ng isang patotoo mula sa Panginoon mo sa katapatan namin. Ang katiwasayan mula sa parusa ni Allāh ay ukol sa sinumang sumampalataya at sumunod sa patnubay ni Allāh.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba