Surah Ṭā Hā (Ta-Ha — طه) (Talata 71)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




20 Ṭā Hā(طه), Talata 71

قَالَ آمَنْتُمْ لَهُ قَبْلَ أَنْ آذَنَ لَكُمْ ۖ إِنَّهُ لَكَبِيرُكُمُ الَّذِي عَلَّمَكُمُ السِّحْرَ ۖ فَلَأُقَطِّعَنَّ أَيْدِيَكُمْ وَأَرْجُلَكُمْ مِنْ خِلَافٍ وَلَأُصَلِّبَنَّكُمْ فِي جُذُوعِ النَّخْلِ وَلَتَعْلَمُنَّ أَيُّنَا أَشَدُّ عَذَابًا وَأَبْقَىٰ 71 ٧١

Nagsabi [sa Paraon]: “Naniwala kayo sa kanya bago ako magpahintulot sa inyo. Tunay na siya ay talagang ang pasimuno ninyo na nagturo sa inyo ng panggagaway. Kaya talagang magpuputul-putol nga ako ng mga kamay ninyo at mga paa ninyo nang kabilaan, talagang magbibitin nga ako sa inyo sa mga puno ng mga datiles, at talagang makaaalam nga kayo kung alin sa atin ang higit na matindi sa [pagdudulot ng] pagdurusa at higit na nananatili.” (71)

Tafsīr
Nagsabi si Paraon habang nagmamasama sa mga manggagaway sa pagsampalataya nila at habang nagbabanta: "Sumampalataya ba kayo kay Moises bago ako magpahintulot sa inyo niyon? Tunay na si Moises ay talagang ang pangulo ninyo, O mga manggagaway, na nagturo sa inyo ng panggagaway. Kaya talagang magpuputul-putol nga ako mula sa bawat isa sa inyo ng paa at kamay nang magkabilaan sa pagitan ng dalawang dako ng dalawang ito. Talagang magbibitin nga ako sa mga katawan ninyo sa mga puno ng datiles hanggang sa mamatay kayo at kayo ay maging aral sa iba pa sa inyo. Talagang makaaalam nga kayo sa sandaling iyon kung alin sa atin ang higit na malakas sa [pagdudulot ng] pagdurusa at higit na namamalagi: ako o ang Panginoon ni Moises?"

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba