Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Nagsabi sila: “Hindi kami sumira sa ipinangako sa iyo dahil sa pagkukusa namin subalit kami ay pinagdala ng mga pasanin mula sa mga gayak ng mga tao [ni Paraon] kaya itinapon namin ang mga ito [sa isang hukay] saka gayon pumukol ang Sāmirīy.” (87)
Tafsīr
Nagsabi ang mga tao ni Moises: "Hindi kami sumira sa ipinangako sa iyo, O Moises, dahil sa isang pagpili mula sa amin bagkus dahil sa pagkanapilitan sapagkat pinagdala nga kami ng mga dalahing mabigat mula sa mga alahas ng mga tao ni Paraon kaya ibinato namin ang mga ito sa isang hukay para magwaksi sa mga ito. Kaya kung paano naming ibinato ang mga ito sa hukay, ibinato rin ng Sāmirīy ang nasa kanya na lupa ng kuko ng paa ng kabayo ni Anghel Gabriel – sumakanya ang pangangalaga."
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: