Surah Al-Anbiyā’ (Ang mga Propeta — الأنبياء) (Talata 24)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




21 Al-Anbiyā’(الأنبياء), Talata 24

أَمِ اتَّخَذُوا مِنْ دُونِهِ آلِهَةً ۖ قُلْ هَاتُوا بُرْهَانَكُمْ ۖ هَٰذَا ذِكْرُ مَنْ مَعِيَ وَذِكْرُ مَنْ قَبْلِي ۗ بَلْ أَكْثَرُهُمْ لَا يَعْلَمُونَ الْحَقَّ ۖ فَهُمْ مُعْرِضُونَ 24 ٢٤

O gumawa ba sila sa bukod pa sa Kanya ng mga diyos? Sabihin mo: “Magbigay kayo ng patotoo ninyo.” Ito ay paalaala sa sinumang kasama sa akin at paalaala sa sinumang bago ko pa. Bagkus ang higit na marami sa kanila ay hindi nakaaalam sa katotohanan, kaya sila ay mga tagaayaw.” (24)

Tafsīr
Bagkus gumawa sila bukod pa kay Allāh ng mga sinasamba. Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagapagtambal na ito: "Magbigay kayo ng katwiran ninyo sa pagiging karapat-dapat ng mga iyon para sa pagsamba sapagkat itong Aklat na pinababa sa akin at ang mga kasulatang pinababa sa mga sugo ay walang katwiran para sa inyo sa mga iyon. Bagkus ang karamihan sa mga tagapagtambal ay hindi bumabatay kundi sa kamangmangan at panggagaya, kaya sila ay mga tagaayaw sa pagtanggap sa katotohanan."

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba