Surah Al-Anbiyā’ (Ang mga Propeta — الأنبياء) (Talata 29)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Ang sinumang nagsasabi kabilang sa kanila: “Tunay na ako ay diyos bukod pa sa Kanya,” iyon ay gagantihan Namin ng Impiyerno. Gayon Kami gaganti sa mga tagalabag sa katarungan. (29)
Tafsīr
Ang sinumang nagsasabi kabilang sa mga anghel bilang pagpapalagay: "Tunay na ako ay sinasamba bukod pa kay Allāh," tunay na Kami ay gaganti sa kanya, dahil sa sabi niya, ng pagdurusa sa Impiyerno sa Araw ng Pagbangon bilang mamamalagi roon. Tulad ng ganting ito gagantihan ang mga tagalabag sa katarungan dahil sa kawalang-pananampalataya at pagtatambal kay Allāh.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: