Surah Al-Anbiyā’ (Ang mga Propeta — الأنبياء) (Talata 36)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




21 Al-Anbiyā’(الأنبياء), Talata 36

وَإِذَا رَآكَ الَّذِينَ كَفَرُوا إِنْ يَتَّخِذُونَكَ إِلَّا هُزُوًا أَهَٰذَا الَّذِي يَذْكُرُ آلِهَتَكُمْ وَهُمْ بِذِكْرِ الرَّحْمَٰنِ هُمْ كَافِرُونَ 36 ٣٦

Kapag nakita ka ng mga tumangging sumampalataya ay wala silang ginagawa sa iyo kundi isang pangungutya, [na nagsasabi]: “Ito ba ang bumabanggit sa mga diyos ninyo?” samantalang sila, sa pagbanggit sa Napakamaawain, sila ay mga tagatangging sumampalataya. (36)

Tafsīr
Kapag nakita ka, O Sugo, ng mga tagapagtambal na ito ay wala silang ginagawa sa iyo kundi isang panunuya habang mga nagpapalayo ng loob ng mga tagasunod nila sa pamamagitan ng pagsabi nila: "Ito ba ay ang nang-aalipusta sa mga diyos ninyo na sinasamba ninyo?" Sila, kalakip ng panunuya sa iyo, ay mga tagapagkaila sa pinababa ni Allāh sa kanila mula Qur'ān. Sa ibinigay Niya sa kanila na mga biyaya ay mga tagatangging magpasalamat kaya sila ay higit na nararapat sa pamimintas dahil sa pagkakaipon sa kanila ng bawat kasagwaan.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba